KILOS PINOY!
2012 - "Habagat" + RH Bill
2013 - "Maring" + Pork Barrel/PDAF Scam
2014 - ???
Pa'no? Ganito na lang ulit sa isang taon? "Abangan ang susunod na kabanata"? Gising, Pilipinas! Ang pamamag-asang hindi na mauulit ang mga ganitong bagyo ay maihahalintulad sa pag-asang sisikat ang araw sa kanluran. Kung gano'n, hahayaan na lang ba nating sabihin ng ating mga kababayang madalas bagyuhin na, "Sanay na kaming lumikas sa mga evacuation center"? At isa pa, masaya na ba tayo sa antas ng pagtugon ng ating mga mambabatas sa mga problemang pulitikal na, sa tila mahiwagang pagkakataon, madalas na nakakasabay ng mga kalamidad na ito?
Hindi ho nakakatuwang makasanayan na lang ang ganitong situwasyon lalo na kung alam nating maari sanang maiwasan 'to kung nailagay lang sa tama ang pondo kung saan ito naaayon. Sa mga nagdaang taon, maging sa mga nagdaang bagyo, ang itinuturong dahilan ay walang pinagbago - mga kalsadang butas, baradong daanan ng tubig, pagputol ng mga puno, at kung anu-ano pa. Marahil mas malala lang ngayon ngunit malamang sa malamang, ito rin ang mga sanhi ng kalamidad na idinaing ng mga ninuno natin. At ukol sa pinakamainit na isyu sa kasalukuyan, nagkaroon na ng linaw ang lahat. Masakit mang isipin na maraming Pilipino ang kayod-kabayo upang mairaos ang kanilang mga pamilya habang ang iilan ay nagwawalas ng pinagpaguran ng marami, kailangan nating tanggapin na nangyari na ang mga 'yan. Hindi na natin mababawi ang mga nawaldas na yaman ng bayan. Datapwat, mayroon pa rin tayong pag-asa upang mabago ang ganitong kalakaran. Maging listo at mapagsuri at makisangkot ayon sa iyong kakayahan sa pagbibigay-matwid hinggil sa mga baluktot na gawaing ito.
Ang bawat kilos, kahit gaano man kaliit, ay mahalaga kaysa magbulag-bulagan sa katotohanan. Wala tayong dapat ikatakot dahil nasa panig natin ang Panginoon na Siyang may kaalaman sa kahihinatnan ng ating bayan. Ipagdasal nating lahat na ang mga madungis na gawaing pulitikal ay maiwaksi din sa tamang panahon.
MANALIG AT UMAKSYON!
Ester 5: 13-14
"Huwag mong aakalaing dahil nakatira ka sa palasyo ay ikaw lamang ang makakaligtas sa lahat ng mga Judio. Kapag ipinagwalang-bahala mo ang pangyayaring ito, tiyak na may magliligtas din sa mga Judio, ngunit malilipol ka at ang iyong angkan. Anong malay mo? Baka nga napunta ka riyan para maging kasangkapan sa ganitong pagkakataon!"
Jeremias 29:11
Sapagkat batid kong lubos ang mga plano ko para sa inyo; mga planong hindi ninyo ikakasama kundi para sa inyong ikabubuti. Ito'y mga planong magdudulot sa inyo ng kinabukasang punung-puno ng pag-asa.

Tama ka sayong naisulat. Nakakalungkot na paulit-ulit na lang ang mga nangyayari satin pero hindi pa din natututo ang KARAMIHAN. Ipagdasal natin ang nangyayari sa ating bansa ngayon.
ReplyDelete