“Huwag Kang Magturó”
“Huwag
Kang Magturó”
Mateo 24:14
“At
ang mabuting balitang ito ng kaharian ay ipangangaral sa buong tinatahanang
lupa bilang patotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayon ay darating ang
wakas.“
Parating na raw si Hesus?
Uzbek: Iso kim?
Arabic: من
هو يسوع؟
Aserbaijani: İsa kimdir?
French: Qui est Jésus?
Punjabi: ਯਿਸੂ ਨੇ ਕੌਣ ਹੈ?
Chinese: 耶稣是谁?
Afrikaans: Wie is Jesus?
Indonesian: Siapakah Yesus?
Russian: Кто есть Иисус?
Thai:
พระเยซูคือใคร?
English: Who is Jesus?
Filipino: Sino si Hesus?
Pwede ko ba Siyang makasalubong habang
nagkakalakad?
Sa eskwelahan?
Sa tambayan ng magkakatropa?
Sa palengke?
Sa opisina?
Sa ospital?
Sa bahay?
Nasa simbahan ba Siya?
Nasa puso mo ba Siya?
Tok, tok, tok! Nandiyan ka ba, Hesus?
Hinahanap mo rin ba si Hesus?
Nahanap mo na ba Siya?
Ituro mo naman kung saan ko Siya makikita!
Sa pitong bilyon at apat na raang
milyong tao sa mundo ngayon, apatnapung porsyento diyan, o anim na libo at anim
na raang lahi pa. ILAN? Apatnapung porysento o tatlong bilyon at isandaang
milyong katao… TATLONG BILYON AT ISANDAANG MILYON na hindi pa kailanman
nakarinig ng kahit anong tungkol kay Hesus.
Tatlong bilyon at isandaang
milyong tao na nabubuhay sa mundo ngayon
Ang ilan pa nga riyan, hindi na
yata nabibilang sa census.
Yung iba namumuhay ng payapa,
yung iba nasa gitna ng giyera, yung iba nagugutom
Yung iba mamamatay na lang ng
hindi nakarinig ng kahit katiting na Salita ng Diyos
Ngayon magtataka ka kung bakit
ganito ang lagay ng mundo?
Ikaw na buong pusong umaawit ng Lupang
Hinirang
Ikaw na buong tapang na bumibigkas ng
Panatang Makabayan
Ikaw na buong lakas na sumisigaw ng PUSO!!!
Sa dami ng problema ng Pilipinas
Tumiklop na ba ang ipinagmamalaking gilas?
Giyera rito, gutom diyan,
Panghuhusga rito, pambabastos dyan
Droga rito, traffic dyan
Nakakarindi na!
Ano bang solusyon dito?
Kapag
tumulong ba ako sa mga gawaing pangkabuhayan ng iba, titigil ba ang giyera?
Kapag
nagbigay ba ako ng pera sa mga mahihirap, hindi na sila magugutom?
Kapag
sumali ba ako sa mga outreach program, mawawala na ang panghuhusga at
pambabastos?
Kapag
nag-organisa ba tayo ng mga church events, babalik na sa normal ang mga adik?
Bakit nga ba hanap pa tayo
ng hanap ng sagot kung saan-saan?
Malinaw naman na sinabi sa
Salita ng Diyos kung ano ang solusyon.
Ang tanong, binasa mo ba?
(Efeso 1:9)
Ipinaunawa sa atin ng
Diyos ang hiwaga ng kanyang kalooban ayon sa kanyang layunin na isasakatuparan
sa pamamagitan ni Cristo
Nang minsan din Siyang
tanungin ng isa sa mga disipulo Niya… (Juan 14:6)
Sumagot si Jesus, “Ako ang
daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makapupunta sa Ama kundi sa
pamamagitan ko.
Iyan ang katotohanang
hindi maipagkakaila.
Ngayon, kaibigan, kilala
mo na ba si Hesus?
Pahayag 7:9
Pagkatapos nito'y nakita ko ang napakaraming tao na di kayang
bilangin ninuman! Sila'y mula sa bawat bansa, lipi, bayan, at wika. Nakatayo sila
sa harap ng trono at ng Kordero, nakadamit ng puti at may hawak na mga
palaspas. 10 Isinisigaw nila,
“Ang kaligtasan ay nagmumula sa ating Diyos na nakaluklok sa trono,
at sa Kordero!”
Tatanungin kitang muli.
Gaano ba katindi ang pag-aasam natin sa
muling pagbabalik ni Hesus?
Ikaw, Kristyano ka ‘di ba?
Anong ginagawa mo rito?
Ano ang ambag mo sa mundong ito?
Eh ano namang magagawa ko?
Ikaw, ako, siya, tayong lahat
Sa atin makikita na ang Diyos ay sapat
Kaya ikaw na nakakarinig nito
Wag ka ng magturo
Sabi sa isang patalastas, “apat dapat”
May kulang, eh. Ito ang tama - Lahat dapat!
Mga kapwa ko Kristiyano,
Iparinig, ipakita, ipadama mo!
Ang Diyos natin ay buhay
Mahal Niya ang lahat pati ang mga walang
kamalay-malay –
Silang nasa mga lugar na hindi pa nahahagip
ng mabuting balita tungkol kay Hesus na
magbabalik mula sa langit.
Walang ibang pinagbilinan ang Diyos
Para matupad ang Kanyang dakilang layunin
Ikaw lang!
Ikaw lang!
Ikaw lang!
Huwag ka nang magturo
Dahil kada isang mong turo
Tatlo ang balik sayo!
-mcd
Comments
Post a Comment